PAGSASANAY UKOL SA WATER SEARCH AND RESCUE, ISINAGAWA SA BAYAN NG CALASIAO

Sa patuloy na layunin ng Pangasinan Disaster Risk Reduction Management Office na makapagbigay ng kaalaman ukol sa paghahanda sakaling may mangailangan ng tulong sa gitna na disgrasya ay ibinahagi ang isang pagsasanay sa mga kawani ng LGU- Calasiao.
Ibinahagi ng mga kawani ng PDRRMO bilang panauhing pandangal ang ukol sa Hazzard and Basic Life Support at Water Rescue Technique kung saan ginanap ito ng limang Araw na pagsasanay.
Partikular na kalahok sa pagsasanay ang mga kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, PNP at BFP personnel ng bayan upang magkaroon pa ang mga ito ng mas dekalidad at mas madagdagan pa kanilang kaalaman sa tamang pagsagip ng mga residente nitong nasa bingit ng disgrasya.

Matatandaan na ang bayan ng Calasiao ay kabilang sa mga nakakaranas ng pagbaha o flood-prone communities sa probinsya.
Dahil dito nagpapasalamat ang LGU Calasiao dahil nabahagian ang kanilang mga kawani sa pagresponde ng magagamit sa mga kalamidad na maaaring maranasan. |ifmnews
Facebook Comments