INTERNATIONAL YOUTH FELLOWSHIP LEADERSHIP CAMP 2023, GINANAP SA BAYAN NG BAYAMBANG

Isinagawa ang isang International Youth Fellowship (IYF) Leadership Camp sa bayan ng Bayambang para sa mga local student organizations at mga miyembro ng Student Supreme Council ng PSU-Bayambang Campus.
Sa aktibidad na ito ay tinalakay ang tungkol sa adiksyon bilang isa sa nagiging distraksyon sa mga mag aaral at paano ito nagdudulot ng maling mindset sa mga kabataan.
Ipinaliwanag din sa naturang aktibidad ang pagkakaroon ng magandang mindset kung meron mang kinakaharap na suliranin ang isang estudyante.

Itinuro rin ang importansya ng pagkakaisa at ang kahalagahan ng pagkakaroon ng “mind education”.
Ang programang ito ay makatutulong sa mga estudyante para sa pagpapahusay pa ng kanilang mga sarili at mahasa pa ang kanilang personality at leadership skills. |ifmnews
Facebook Comments