Pagsasanib ng LandBank at DBP, tinututulan ng ilang senador

Nababahala ang ilang mga senador sa planong pagsasanib pwersa ng Land Bank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP).

Pangamba ni Senator Sherwin Gatchalian, magtatayo ang gobyerno ng isang super monopoly sa banking industry at masamang balita ito para sa mga lokal na pamahalaan na malalagay sa iisang bangko ang kanilang mga deposito.

Kung masama aniya ang serbisyo at mataas ang interest rate sa kanilang loans ay wala nang choice ang mga tao dahil sa monopolyo.


Ipinakokonsidera naman ni Senator Risa Hontiveros ang gobyerno sa planong merger ng LBP at DBP.

Kung pagbabatayan ang kasaysayan ng global crisis ay mga malalaking bangko ang unang tinatamaan.

Inihalimbawa ni Hontiveros ang pag-iisa o pagsasanib ng Land Bank at United Coconut Planters Bank (UCPB) na hanggang ngayon ay hindi pa rin naisasaayos, dadagdag pa ang DBP.

Dagdag pa ng mga senador, magkaiba rin ang pinagsisilbihang sektor ng mga nasabing bangko kung saan ang LandBank ay para sa mga magsasaka, mangingisda at MSMEs habang ang DBP ay sa mga malalaking negosyo.

Facebook Comments