Isang Grade 6 Pupil sa Ilocos Norte, nahulog sa building, patay

iFM Laoag – Patay ang isang grade 6 na estudyante ng Caraitan Integrated School sa Bayan ng Badoc Ilocos Norte matapos itong mahulog mula sa ikalawang palapag ng nasabing paaralan.

Ang nasabing biktima ay hindi na pinangalanan ng pulisya na may 9 na taong gulang na residente sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng PNP, nagpapahinga umano ang nasabing estudyante sa may beranda ng paaralan ngunit nawalan ng kontrol ito sa pagkaupo at nahulog mula sa ikalawang palapag. Naitakbo pa ito sa ospital ngunit di kalaunan a namatay din ito.

Nagtamo di umano ng mga sugat sa katawan ang nasabing bata lalo na sa pagkabali ng kanyang spinal cord, na isa sa mga rason kung bakit nagkaroon ng pagdurugo din sa loob ng katawan ng nasabing biktima.

Wala namang nakitang foul play ang pulisya sa nasabing accidente sa paaralan. ### Bernardo B. Ver II @ RMN News
Facebook Comments