Pagsasapribado ng Nayong Pilipino, inirekomenda ng isang senador

Iminungkahi ni Ways and Means Chairman Senator Sherwin Gatchalian ang pagsasapribado ng Nayong Pilipino.

Ang rekomendasyon ng senador ay kasunod ng ulat na sa mga susunod na lima o anim na taon ay tuluyang mauubos ang pondo ng Nayong Pilipino Foundation (NPF).

Batay sa 2022 Commission on Audit (COA) report, hanggang nitong katapusan ng 2022 ay nasa P646.928 million na lamang ang pondo ng Nayong Pilipino.


Kung si Gatchalian ang tatanungin ay mas makabubuting isapribado na ang NPF dahil mas may kakayahan ang pribadong sektor na pangasiwaan at panatilihin ang mga ganitong establisyemento.

Iginiit pa ng senador na dapat manatili ang Nayong Pilipino dahil nagbibigay ito ng mahalagang educational experience para sa mga kabataan.

Para naman kay Senator Francis “Chiz” Escudero, maaaring mag-allocate ng pondo ang gobyerno sa Nayong Pilipino sa ilalim ng General Appropriations Act.

Pinaaaral din ng mambabatas sa Department of Tourism (DOT) at sa Governance Commission on GOCCs ang COA report at silipin kung paano mapapabuti ang kasalukuyang sitwasyon ng NPF.

Facebook Comments