Las Pinas RTC, nagpalabas na rin ng warrant of arrest laban kay dating BuCor Chief Gerald Bantag

Nagpalabas na rin ng Warrant of Arrest ang Las PiƱas Regional Trial Court laban kay dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag at dating deputy chief nito na si Ricardo Zulueta.

Gayundin sa iba pang mga akusado na sina Israel Dimaculangan, Edmon Dimaculangan at Alias Orly.

May kaugnayan ito sa pagpatay kay Broadcaster Percival ā€œPercy Lapidā€ Mabasa.


Partikular na nagpalabas ng Warrant ang Las PiƱas RTC Branch 254.

Una nang nagpalabas ng arrest warrant laban kay Bantag at Zulueta si Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 Judge Gener Gito.

May kaugnayan naman ito sa pagkakasangkot nina Bantag at Zulueta sa pagpatay kay inmate Jun Villamor sa New Bilibid Prison.

Si Villamor ang sinasabing middleman at siyang kumuha kay self-confessed gunman Joel Escorial para patayin daw si broadcaster Percival Mabasa.

Facebook Comments