Pagsasapubliko ng estado ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte, iginiit ng isang senador

Ang estado ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay alalahanin ng bawat Pilipino.

Ito ay sinabi ni Senador Panfilo Lacson matapos lumabas sa Social Weather Stations survey na 65 percent ng mga Pilipino ang nagsabing dapat ipaalam sa publiko ang kalusugan ng Pangulo.

Ayon kay Lacson, umaasa siyang ito na ang huling pagliban ng Pangulo sa publiko dahil marami ang nag-aalala dito.


Naniniwala rin si Lacson na hindi makataong ipagdiwang kung anumang masamang mangyari sa Pangulo.

Maging aniya si Vice President Leni Robredo ay ipinagdarasal ang Pangulo.

Sinabi naman ni Senate President Vicente Sotto III na nais lang malaman ng publiko kung ligtas at maayos ang kalagayan ng Pangulo.

Giit naman ni Senator Risa Hontiveros, hindi nais ng publiko ang patunay na buhay pa ito kundi ang “proof of good and authentic leadership,” ngayong may COVID-19 pandemic.

Facebook Comments