Pagsasapubliko ng listahan ng mga benepisyaryo sa ilalim ng Social Amelioration Program, iniutos ng DILG

Inatasan ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang lahat ng Local Government Units (LGU) na ipaskil o isapubliko ang listahan ng mga benepisyaryo sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) na nakatanggap na ng ayuda.

Ayon kay Año, kailangang maipakita sa publiko ang transparency ng nasabing programa.

Ipag-uutos din aniya ang pagpapaskil ng pangalan ng mga nakatanggap ng dobleng pinansiyal na ayuda para maibalik agad ito sa pamahalaan.


Matatandaang una nang hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga benepisyaryo ng SAP na nakatanggap ng doble na maging tapat at ibalik ang sobrang ayuda.

Kasabay na rin ito ng kanyang babala laban naman sa mga opisyal ng pamahalaan na nasasangkot sa anomalya sa pamamahagi ng SAP.

Facebook Comments