Manila, Philippines – Mariing tinututulan ni Vice President Leni Robredo ang paglalabas ng listahan ng mga pulitikong sangkot sa ilegal na droga bago ang May 13 midterm elections.
Ayon kay Robredo – mas mainam na magsampa na lamang ng kaukulang kaso laban sa mga ito sa korte.
Iginiit ng Bise Presidente na lalabas lamang na “trial by publicity” ito.
Aniya, mahalagang mabigyan ng pagkakataon ang akusado na madepensahan ang kanyang sarili.
Pinuna rin ni Robredo ang unang inilabas na drug list kung saan naglalaman ito ng pangalan ng mga pulitiko, pulis at mahistrado.
Facebook Comments