Iginiit ni Senator Joel Villanueva na kunin muna ang pagpayag ng mga positibo sa COVID-19 bago isapubliko ang kanilang pagkakakilanlan.
Tugon ito ni Villanueva sa mga mungkahi na ipaalam na sa publiko kung sino ang mga dinapuan ng Coronavirus upang makatulong sa contact tracing at pagpigil na ito ay kumalat pa.
Paalala ni Villanueva, paglabag sa right to privacy ng sinumang COVID patient ang paglalabas ng kanilang pagkakakilanlan ng hindi nila pinahintulutan.
Mungkahi ni Villanueva, makakatulong kung ang ipaalam na lang sa mamamayan ay ang lugar kung saan may mga kaso ng COVID-19 at may mga Person Under Monitoring at Investigation o mga PUM at PUI.
Dagdag pa ni Villanueva, makakatulong din kung paiigtingin pa ang pagpapalaganap ng kaalaman ukol sa self quarantine.