Pagsasara ng Honda, walang kinalaman sa TRAIN law ayon sa Malakanyang

Iginiit ng malakanyang na walang kinalaman sa pagsasara ng Honda Cars Philippines Incorporated (HCPI) sa Santa Rosa, Laguna ang mataas na singil sa buwis ng gobyerno.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – ang kalidad ng produkto ng Honda at ang kompetisyon sa presyo ang dahilan kaya natatalo ito ng ibang car manufacturers.

Dati na rin aniyang mayroong pagtataas sa buwis kaya wala itong kinalaman sa nangyari sa Honda.


Samantala, tuloy ang pagpapasara ng Honda Philippines sa kabila ng pakikipagnegosasyon ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III sa mga ito.

Giit ni Bello, dismayado siya dahil hindi na maaayos at tuluyan nang ipapasara ang planta ng Honda cars Philippines.

Matatandaang biglaan ang naging desisyong pagsasara ng Honda kung saan hindi ito nagpadala ng written notice sa DOLE.

 

Facebook Comments