Pagsasara ng lahat ng sementeryo sa darating na undas, hinihikayat ng MMC sa mga lokal na pamahalaan sa bansa

Hinikayat ng Metro Manila Council (MMC) ang mga lokal na pamahalaan sa bansa na isara ang mga sementeryo sa darating na undas.

Sa naganap na pulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-MEID) at ng MMC kahapon, inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang resolusyon kung saan kaparehas ito ng ginawa noong nakaraang taon.

Unang nang nag-anunsiyo ang lokal na pamahalaan ng Maynila na sarado ang lahat ng pampubliko at pribadong sementeryo sa lungsod mula sa October 29 hanggang November 3.


Sa ibang probinsya sa bansa tulad ng Ilocos Norte, bukas ang mga sementeryo pero lilimitahan ang mga maaaring pumasok.

Habang sa Baguio City ay magkakaroon ng iskedyul ng pagbisita sa sementeryo.

Sa ngayon, paalala ng MMDA sa publiko na dumalaw na sa kani-kanilang mahal sa buhay bago pa ang pagsapit ng undas.

Facebook Comments