Pagsasara ng Marcos Bridge sa darating na sabado (May 4), kinansela muna ng MMDA

Kakanselahin muna ng Metropolitan Manila Development Authority ang nakatakdang rehabilitasyon ng Marcos bridge sa Mayo a-kwatro.

 

Ayon kay Bong Nebrija, traffic chief ng MMDA. Hindi pa sila sigurado kung kailan nila isasara ang east bound lane ng Marcos Bridge sa Marikina dahil aniya maikli ang ginawa nilang preparasyon para malaman ng mga motorista hinggil sa gagawing rehabilitasyon nito.

 

Pag-aaralan din daw nila ang mga traffic rerouting, iba pang alternate route at maglalagay din sila ng mga signages para malaman ito ng publiko kung saan iginiit pa ni Nebrija na kailangan itong maiayos dahil aabutan daw ang rehabilitasyon ng pasukan sa eskwela at panahon ng tag-ulan.


 

Sa huli, sinabi pa ni Nebrija na kailangan isailalim sa rehabilitasyon ang bahaging ito ng Marcos Bridge dahil para din daw ito sa kaligtasan ng mga nagdadaang motorista at tinatayang nasa apat o limang buwan daw ito bago matapos.

Facebook Comments