Uploader ng Bikoy video, kakasuhan din ng inciting to sedition ng DOJ

Kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra, na kakasuhan din ng inciting to sedition ang inarestong uploader ng bikoy video na si Rodel Jayme.

 

Ito’y sa harap naman ng nauna ng pinahayag ng kalihim na paglabag sa cyber crime law at paglabag sa Republic act 7610, o child abuse ang kanilang ikinukunsiderang kasong kakaharapin ni Jayme.

 

Ssinabi ng kalihim na nag-abiso sa kanya ang NBI Cybercrime Division na kabilang ang inciting to sedition sa mga isasampang kaso laban sa nasabing blogger, at licensed radio operator na si Jayme.


 

Hindi naman  nagbigay ng paliwanag ang kalihim, kung bakit kasama ang inciting to sedition sa isasampa laban kay Jayme.

Facebook Comments