Pagsasara ng mga border dahil sa monkeypox, hindi pa kailangan – Duque

Hindi pa kailangang magsara ng mga border ang bansa sa gitna ng banta ng monkeypox virus.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, hindi pa dapat gawin ang mas mahigpit na border control dahil patuloy namang umiiral ang mga hakbang ng bansa laban sa COVID-19 gaya ng mas mahigpit na surveillance at symptom screening.

Aniya, inatasan na rin niya ang Bureau of Quarantine (BOQ) na bantayan ang mga pumapasok na pasahero mula sa mga bansang may na-detect nang kaso ng monkeypox.


Kabilang na ang Canada, Italy, Sweden, Spain, Portugal, Europe, at North America.

Sa ngayon, wala pang naitatalang kaso ng nasabing virus sa Pilipinas.

Dagdag pa ng kalihim, hindi kagaya ng COVID-19 ang bilis ng pagkalat ng monkeypox.

Less contagious o hindi gaanong nakakahawa aniya ang monkeypox at hindi gaanong nagdudulot ng malalang sakit di gaya ng small pox.

Nauna na ring sinabi ni Duque na hindi pa ikinokonsidera ng WHO na banta sa public health ang nasabing sakit.

Facebook Comments