PAGSASARADO SA ILANG KAKALSADAHANSA DAGUPAN CITY ALINSUNOD SA MAGAGANAP NA GILON GILON ED DALAN, ALAMIN

Magsasarado ang ilang kakalsadahan sa lungsod ng Dagupan ngayong araw, April 14, alinsunod sa magaganap na Gilon Gilon Ed Dalan bilang bahagi ng nalalapit na pagdiriwang ng World Renowned na Bangus Festival 2023 sa darating na April 30.
Isasara ang Burgos Street, buong Perez Boulevard, ang MH Del Pilar St, gayundin ang pagsasara sa kahabaan ng AB Fernandez Avenue epektibo bukas sa oras na alas dose ng tanghali.
Bahagi ang Gilon Gilon Ed Dalan sa mga Bangus Festival kung saan ay magaganap ang tagisan ng galing sa pagsasayaw o ang Street Dancing Competition na lalahukan ng walong cluster na magmumula sa tatlumpu’t isang Barangay sa Dagupan.

Nakaantabay ang POSO Enforcers upang mamonitor ang magiging daloy ng trapiko para sa alternatibong ruta na tatahakin ng mga drivers at motorist. Full deployment umano ang mga ito at ngayong araw nagkaroon din ang pamunuan ng POSO Dagupan ng pagpupulong ukol sa magiging paghahanda sa aktibidad bukas, halimbawa ang pagbabaklas ng trapiko kung sakali.
Pinayuhan ang mga drivers na umikot sa alternatibong ruta at ang karagdagang detalye, makikita sa kanilang Fb page. |ifmnews
Facebook Comments