Pagsasariling sikap ng mga LGUs na makabili ng COVID-19 vaccine, bunga ng mabagal na pagkilos ng gobyerno

Para kay Senator Panfilo “Ping” Lacson, malinaw ngayon na walang koordinasyong nangyayari pagdating sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19 para sa ating bansa.

Ayon kay Lacson, dahil dito ay nagkakanya-kanya na ng hakbang o inisyatiba ang mga Local Government Units (LGUs) sa pagbili ng COVID-19 vaccines para sa kanilang mga constituents.

Giit ni Lacson, mga LGUs na ang kumikilos sa harap ng kabiguan ng national government na gawin ang trabaho nito pagdating sa bakuna.


Una rito ay hinimok ni Lacson ang Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) na magpakita naman ng sense of urgency sa pagbili at pamamahagi ng COVID-19 vaccine.

Dismayado si Lacson na hanggang ngayon ay sinasabi pa rin ng kinauukulang mga opisyal ng gobyerno nagsasagawa pa rin sila ng pag-aaral kahit marami ng nangangamatay dahil sa virus.

Facebook Comments