Nakiusap si Senator Christopher “Bong” Go kay Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahang urgent ang proposed 2021 national budget habang nanawagan naman siya sa mga kasamahang mambabatas na ipasa sa takdang panahon ang pambansang budget.
Iginiit ni Go, hindi dapat maging re-enacted ang budget sa susunod na taon dahil madidiskaril ang implementasyon ng mga programa at proyekto ng pamahalaan para sa pag-usad ng ekonomiya at sa kapakanan ng taumbayan.
Higit sa lahat, ayon kay Go, pangunahing maaapektuhan ang pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.
“Even if the President has the power to call for a special session, my challenge to my fellow legislators is to work together so that we can pass the budget on time. I will even recommend to the President to certify this measure as urgent. Nakikiusap po ako kay Pangulong Duterte na i-certify ang budget as urgent.
At the end of the day, ang masisisi na naman dito ay ang Pangulo at ang Executive agencies kung hindi maipatupad ang mga programa na kailangan sa susunod na taon.
Noong 2019, nagkaroon na tayo ng re-enacted budget. Hindi na pwede maulit ito. The government may lose billions of pesos a day if a reenacted budget will be implemented. Lahat tayo magsa-suffer, lalong-lalo na po ang mga mahihirap na Pilipino”.
Mensahe ito ni Go, dahil posibleng kulangin na sa panahon para maipasa 2021 budget makaraang suspindehin ng maaga ng Kamara ang session ng hindi pa naipapasa at naita-transmit sa Senado ang pambansang budget.