PAGSESELYO SA BARIL NG KAPULISAN SA PANGASINAN HINDI ISASAGAWA NGAYONG HOLIDAY SEASON

LINGAYEN, PANGASINAN – Hindi ulit seselyuhan ang baril ng mga pulis dito sa lalawigan ng Pangasinan o mas kilala sa tawag na muzzle sealing.

Tiwala umano ang Philippine National Police Chief Gen. Dionardo Carlos ang mga pulis na hindi umano mai-involve ang mga ito sa anumang paggamit ng baril ngayong nalalapit ang pagsalubong ng bagong taon.

Gayundin naman wala umanong naitatalang kaso na kinasasangkutan ng mga PNP Personnels sa Pangasinan gaya ng pagpapaputok baril.

Matatandaang mula 2019 ay hindi na nagsasagawa ng muzzle sealing ang PPO Pangasinan.

Samantala, pinayuhan naman ni PLTCOL. Ferdinand De Asis, ang Public Information Officer ng PPO ang publiko na makipagtulungan sa kapulisan at huwag gumamit ng mga delikadong paputok sa pagsalubong sa bagong taon. | ifmnews

Facebook Comments