Pagsibak kay Diño, reward ng palasyo kay Senator Gordon ayon kay Senator Trillanes

Manila, Philippines – Tahasang sinabi ni Senator Antonio Trillanes IV na ang pagsibak kay Martin Diño bilang chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority o SBMA ay reward ng palasyo kay Senator Richard Gordon.

Ayon kay Trillanes, ipinalit ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Diño ay ang bata ni Gordon na si Wilma Eisma.

Diin ni Trillanes, para yan sa reward winning performance ni Gordon bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee kung saan ito nagmistulang abogado ng administrasyon.


Inihalimbawa ni Trillanes ang pagtatanggol ni Gordon kay Vice Mayor Paolo Duterte at Atty. Manse Carpio na nasasangkot sa mga katiwalian sa Bureau of Customs.

Facebook Comments