Nasa kamay na ni National Security Adviser Hermogenes Esperon kung tatanggalin nito si Lt. Gen. Antonio Parlade bilang tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi masyadong mabigat ang isyung ito para kay Pangulong Rodrigo Duterte na siyang chairman ng NTF-ELCAC.
Matatandaang sinabi ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na dapat tanggalin na si Parlade bilang tagapagsalita ng NTF-ELCAC matapos ang pag-red-tag nito sa mga organizers ng mga community pantry.
Una nang sinabi ni Senator Risa Hontiveros na dapat ay tuluyan nang buwagin ang NTF-ELCAC na binubuo ng 18 government agencies.
Facebook Comments