Manila, Philippines – Inihayag ng palasyo ng Malacañang na dumaan sa
malalimang imbestigasyon ang mga isyu na kinasasangkutan umano ni dating
Interior Secretary Mike Sueno na naging dahilan kung bakit ito sinibak ni
Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, naging maingat si Pangulong
Duterte sa pag-iimbestiga at sa pag-aaral sa mga impormasyong natanggap
kaugnay sa sinibak na kalihim.
Inamin din naman ni Abella na isa sa dahilan kung bakit sinibak ng Pangulo
si Sueno ay may kinalaman sa public transactions.
Pero sinabi ni Abella na bahala na si Pangulong Duterte kung
papaimbestigahan pa ito ng mas malalim ang transaksyon na pinasok ni Sueno.
Wala parin naman aniyang pangalan na lumulutang na papalit kay Sueno sa
posisyon.
Nation”