Isa pang miyembro ng Gabinete, pinuna ni Pangulong Duterte dahil sa mga isyu tungkol dito

68

Manila, Philippines – Ibinunyag ng Palasyo ng Malacañang na mayoon pang
isang miyembro ng Gabinete ang pinuna ni Pangulong Rodrigo Duterte sa
naganap na Cabinet Meeting kahapon.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nagkomento ang Pangulo sa
isang hindi pa pinangalanang cabinet member dahil sa mga issue na ibinabato
laban dito.

Pero hindi naman nilinaw ni Abella kung anong issue ang ibinabato sa
miyembro ng Gabinete na hindi na pinangalanan.

Ito naman ay sa harap narin ng pagkakasibak ni Pangulong Duterte kay
Interior Secretary Mike Sueno dahil sa issue ng umanoy katiwalian at
pagmamalabis sa kanyang kapangyarihan.

Nation”

Facebook Comments