Pagsibak kay VP Leni sa ICAD, hindi na ikinagulat ni Sen. Lacson

Manila, Philippines – Hindi na ikinagulat ni Senator Panfilo Ping Lacson ang pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo Bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs o ICAD.

Sa katunayan, ayon kay Lacson, boring o nakakabagot na nga ang nabanggit na balita.

Ang mas exciting o higit na nais niyang malaman ay kung sino ngayon kina Pangulong Duterte at VP Leni ang humahalakhak o masaya.


Si Lacson ay isa sa mga sumuporta sa pagkakatalaga kay Robredo para mamuno sa ICAD.

Magugunitang ibinahagi pa ni Lacson ang kanyang mga naging karanasan sa kampanya laban sa ilegal na droga bilang dating hepe ng Philippine National Police o PNP.

Facebook Comments