Pagsibak sa mga govt. officials na bumyahe sa abroad ng walang travel order, suportado ng liderato ng senado

Manila, Philippines – Suportado ni Senate President Koko Pimentel ang nakatakdang pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga executive officials na nagbibiyahe sa abroad ng walang travel order mula sa tanggapan ng pamahalaan na kanilang pinaglilingkuran.

Giit ni Pimentel, patunay ito na determinado talaga si Pangulong Duterte na linisin sa katiwalian ang pamahalaan.

Diin ni Pimentel, dapat talagang sibakin ng pangulo ang mga opisyal ng gobyerno na nagbibiyahe sa abroad ng walang kaukulang travel order dahil paglabag ito sa umiiral ma batas.


Sa panig ng senado, sinabi ni Pimentel na mayroong travel order ang isang senador kapag official trip ang biyahe kung saan officiaal passport ang kanilang ginagamit.

Kapag naman aniya personal ang lakad ng isang senador kung saan regular passport ang gamit ay hindi na kailangan kumuha pa ng travel order ang mga ito.

Facebook Comments