Pagsilbi ng arrest warrant kay Michael Yang, nabigo; director ng Pharmally na si Lincoln Ong, naka-house arrest na

Nabigo ang Senado na maisilbi ang search and warrant arrest laban kay dating Presidential Adviser Michael Yang.

Ito ay matapos ipaaresto na ng Senado si Yang at ang lima pang opisyal ng Pharmally Corporation kaugnay sa pagbili ng umano’y overpriced na medical supplies.

Ayon kay Rene Samonte, sergeant and arms ng Senado, hindi naisilbi ang arrest order dahil paliwanag ng caretaker sa natukoy na address ni Yang sa Forbes sa Makati City, hindi dito nakatira si Yang.


Sinabi naman ni Samonte na maghihintay na lamang sila ng utos mula sa mga senador kung ano ang kanilang susunod na gagawin.

Maliban kay Samonte, naka-house arrest ngayon si Pharmally Director Lincoln Ong matapos magpositibo sa COVID-19.

Bagama’t hindi nadakip, naisilbi naman dito ang arrest order at binabantayan ng Senate sergeant of arms.

Tiyak naman na dadalo pa rin sa pagdinig ng Senado si Ong na gagawin sa pamamagitan ng virtual.

Facebook Comments