Dating pulis, arestado matapos makuhanan ng baril at pampasabog

Nueva Ecija – Arestado ang isang dating pulis matapos na makuhanan ng ilang baril at pampasabog.

Kinilala ang suspek na si Ruelito Roxas, dating pulis-Quezon habang arestado rin ang kasama nitong si Alex Panganiban.

Ayon kay Nueva Ecija Police C/Insp. Marlon Cudal – agad silang nagpatupad ng checkpoint matapos na makatanggap ng impormasyon na may dalawang lalaki sa Barangay Poblacion na kahina-hinala ang mga kilos.


At nang sitahin, nakuha sa sasakyan ng mga suspek ang dalawang 45 pistol, isang 9mm pistol, rifle grenade, handheld radios at mga high explosive ammunitions.

Sabi ni Roxas, inutusan siya ni Konsehal Renan Morales at isang alyas ‘nora’ para patayin si San Antonio, Nueva Ecija Mayor Arvin Cruz kapalit ng 5-milyong piso.

Facebook Comments