Pagsisikap ng mga atletang Pilipino sa 2022 Tokyo Olympics, kinilala ni VP Leni Robredo

Kinilala ni Vice President Leni Robredo ang pagsisikap ng mga atletang Pilipino na lumalaban sa 2022 Tokyo Olympics.

Sa inilabas na pahayag ni Robredo, sinabi nito na sa bawat laban ng Pilipino sa Olympics nitong mga nakaraang araw ay naghahalo ang kaba, saya pati ang gigil pero higit aniyang nangingibabaw ang pagiging proud.

Binati naman ng pangalawang pangulo ang 19 na Filipino Olympians na lumaban para bigyang karangalan ang Pilipinas.


Ilan sa mga kinilala ni Robredo ang; Filipina weightlifter na si Hidilyn Diaz na nagkamit ng gold medal para sa women’s 55-kg category; Nesthy Petecio na kauna-unahang Pinay boxer na nagkamit ng Olympic medal at ang mga boksingerong sina Carlo Paalam at Eumir Marcial na tiyak na ang medalya sa palaro.

Binati naman ni Robredo ang iba pang Pilipinong lalaban sa palaro sa susunod na mga araw at ang mga hindi pinalad na magwagi at nagpasalamat sa pagbibigay inspirasyon nito sa buong bansa sa gitna ng pandemya.

Facebook Comments