Inaasahang mababawasan ng one-third ang pagsisikip ng trapiko o kalsada sa Metro Manila ngayong tapos na ang Skyway Stage 3 Project.
Sa inagurasyon ng proyekto, sinabi ni Pangulong Duterte na makakatulong ang elevated expressway para sa mabilis na paghahatid ng mga produkto at biyahe ng mga tao.
Pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Central Expressway Corporation at San Miguel Corporation (SMC) para sa kanilang kooperasyon at pagsisikap na matapos ang proyekto.
Binigyang pugay rin ni Pangulong Duterte ang mga Pilipinong manggagawang nasa likod ng proyekto.
Pagtitiyak ng Pangulo na patuloy na ipupurisge ng gobyerno ang Build Build Build program.
Ang 18-kilometer elevated expressway ay mula Buendia, Makati City patungong North Luzon Expressway (NLEX) sa Balintawak, Quezon City.
Mula sa dalawang oras na biyahe, inaasahang aabutin na lamang ng 30 minuto ang biyahe sa pagitan ng NLEX at South Luzon Expressway (SLEX).