Pagsisimula ng ASEAN Summit ngayong araw, all set na; Armed Forces of the Philippines, tiniyak na walang namomonitor na anumang banta ng terorismo

Manila, Philippines – Kasado na ngayong araw ang pagsisimula ng ASEAN Summit 2017.

Magsasama-sama ang mga lider ng sampung bansang kasapi ng ASEAN para talakayin ang iba’t—ibang usapin.

Kabilang na rito ang pagpapalakas ng kooperasyon sa pagitan ng mga bansang miyembro at pagtitiyak ng food security sa rehiyon.


Inaasahang maglalabas din ng joint statement ang mga dumalong lider ukol sa natalakay na usapin.

Bukod dito, magpag-uusapan din ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) kung saan ang Pilipinas ang host ng selebrasyon ng ika-limampung taong anniversary ng pagkakatatag ng ASEAN.

Ayon kay Task Force ASEAN 2017 Operations Officer, Chief Supt. Noel Paraceros – nagsagawa na ng dry-run para sa gagawing paghahatid-sundo sa mga delegado.

Tiniyak naman ni AFP spokesperson, Brig/Gen. Restituto Padilla – walang seryosong banta sa mga gaganaping aktibidad para sa ASEAN ngayong Linggo.

Samantala, inaasahang dadating ngayong araw si Brunei Sultan Hassanal Bolkiah na susundan pa ng mga lider ng Laos, Cambodia, Thailand, Indonesia, Malaysia, Singapore, Vietnam at foreign minister ng Myanmar.
DZXL558

Facebook Comments