Pagsisimula ng Avigan clinical trials sa Pilipinas, muling naudlot

Sa ikalawang pagkakataon, muling naudlot ang clinical trial sa Pilipinas ng anti-flu drug na Avigan na lalahukan ng 100 pasyente.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi pa natatapos ng tatlong hospital na makikiisa sa trial ang kanilang ethics review sa Avigan, kabilang ang Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital, Sta. Ana Hospital at Quirino Memorial Medical Center.

Maliban dito, dumadaan pa aniya sa legal na pagbalangkas ang gagawing clinical trial para sana sa Philippine General Hospital kaya hindi pa rin ito nasisimulan.


Una nang naudlot ang clinical trial ng Avigan noong kalagitnaan ng Agosto kaya iniusog ito nitong Setyembre 1, na hindi rin natuloy.

Ang Avigan ay pinaniniwalaang nakakagamot sa sintomas ng Coronavirus disease.

Facebook Comments