Pagsisimula ng El Niño phenomenon, posibleng ideklara ng PAGASA sa susunod na linggo

Posibleng ideklara na ang pagsisimula ng El Niño phenomenon sa susunod na linggo.

Ayon sa PAGASA, itinaas na nila ang El Niño alert status noong nakaraang buwan dahil sa inaasahang epekto nito ngayong Hunyo.

Tinatayang nasa higit 70% ang tiyansang umiral ang nasabing weather phenomenon bago matapos ang buwan.


Ang El Niño ay ang pag-init ng ocean surface sa gitna at silangang bahagi ng karagatang Pasipiko na magdudulot ng mas mababa sa normal na dami ng ulan, dry spell at tagtuyot sa ilang bahagi ng Pilipinas.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Patrick del Mundo, kapag tumama ang El Niño sa bansa ay makakaranas ng tagtuyot ang katimugan at silangang bahagi ng bansa habang mas malakas na pag-ulan naman sa kanlurang bahagi.

Facebook Comments