Ilang kalsada sa Maynila, isasara sa darating na Sabado

Nag-abiso ang lokal na pamahalaan ng Maynila na may ilang mga kalsada ang isasara sa darating na Sabado.

Ito’y bilang bahagi ng mga aktibidad at programa na may kaugnayan sa selebrasyon ng Araw ng Maynila.

Nabatid na magsasagawa ng Civic Military Parade kaya’t sarado mula alas-6:00 ng umaga ang kahabaan ng Moriones Street mula Mel Lopez Blvd. hanggang N. Zamora Street.


Isasara rin ang bahagi ng J. Nolasco Street mula Morga St. patungong Concha Street.

Sarado rin para sa mga motorista ang bahagi ng Sta. Maria St. mula Morga St. hanggang makarating ng Concha Street.

Pinapayuhan ang publiko na dumaan sa mga alternatibong ruta na inilatag ng Manila Local Government Unit (LGU) kung saan hinihimok naman ang bawat residente na makiisa sa mga inilatag na programa sa Araw ng Maynila.

Facebook Comments