Monday, February 16, 2026

Pagsisimula ng public consultation sa Anti-Dynasty Bill, ikinatuwa ng Palasyo

Ikinatuwa ng Malacañang ang pagsisimula ng public consultation ng Kamara kaugnay sa panukalang Anti-Political Dynasty Bill.

Ayon kay Palace Press Officer at PCO Usec. Claire Castro, suportado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang hakbang dahil kabilang ito sa mga prayoridad na panukala ng administrasyon.

Nais aniya ng pangulo na maisabatas ang panukala dahil ito rin ang panawagan ng maraming mamamayan.

Gayunman, pagdating sa posibilidad na sertipikahan ito bilang urgent bill, sinabi ni Castro na hihintayin muna ng pangulo ang pinal na bersyon mula sa Senado at Kamara.

Nakabatay aniya sa magiging laman ng panukala ang magiging desisyon ng pangulo.

Facebook Comments