Pagsisimula ng Simbang Gabi sa Cotabato City, Mapayapa!

Dinagsa ng libo libong mga mananampalatayang katoliko ang unang araw ng simbang gabi sa Cotabato City.
Kabilang sa tinungo ng mga ito ang Immaculate Conception Cathedral , Rosary Heights Parish at ibat ibang kapilya sa syudad.
Sinasabing kabilang naman sa panalangin ng mga nagtungong magkakapamilya at magkakaibigan ang pagkakaroon ng magandang kalusugan at maging ligtas sa trahedya lalo na sa lindol ngayong panahon ng kapaskuhan.
Naging maayos rin sa pangkalahatan ang unang araw ng simbang gabi dahil na rin sa presensya ng City PNP at 5th Special Forces.
Nauna na ring nagpaabot ng pagbati ang City Government sa lahat ng mga taga syudad ng isang masaya at mapayapang pasko.
Patuloy naman ang pagpapaalala ng mga otoridad na mariing ipinagbabawal ang pagbebenta at pagpapaputok ng mga firecrackers sa syudad kasabay ng selebrasyon.
City Pnp Pic

Facebook Comments