Pagsisinungaling ni Pangulong Duterte sa mga bank accounts ni Trillanes, ikinagalit ng ilang mambabatas

Manila, Philippines – Ikinagalit ng ilang mga mambabatas ang pag-amin ng Pangulong Duterte na sinadya nitong maglabas ng maling bank accounts ni Senador Antonio Trillanes IV.

Sinabi ni Magdalo Rep. Gary Alejano na lumalabas na lumalabis na ang Pangulo dahil pati ang Office of the President ay nagagamit nito para manira ng reputasyon ng isang tao.

Dahil sa pagsisinungaling ng Pangulo, nalagay umano sa duda ang lahat ng mga nauna nitong pahayag sa publiko.


Tanong ni Alejano, gawa-gawa din ba ng Pangulo ang datos na apat na milyon na ang mga adik sa droga sa bansa.

Pero ayon kay Alejano, hindi na nakakapagtaka ang pagsisinungaling ng Pangulo dahil ni hindi nga nito tinotoo ang pangakong tatapusin ang problema sa droga sa loob ng anim na buwan.

Facebook Comments