Pamilya Castillo, no comment muna sa pagsuko ni John Paul Solano

Manila, Philippines – Pag-uusapan ng pamilya Castillo ang kanilang magiging susunod na hakbang kasunod na rin ng pagsuko ng isa sa mga suspek sa brutal na pagpatay kay Horacio ‘Atio’ Castillo III.

Ayon kay Atty. Adelfa Villar, patungo siya ngayon sa burol ni Atio sa Sanctuario de San Antonio Parish, Forbes Park, Makati City.

Sinabi ni Villar, pag-uusapan ng pamilya ang kanilang magiging statement na ilalabas sa media.


Matatandaang kanina, sumuko sa tanggapan ni Senator Panfilo Lacson si John Paul Solano ang isa sa mga primary suspect sa pagpatay kay Atio.

Sa ngayon, nasa kostodiya na ito ng Manila Police District.

Samantala, sa burol ni Atio, may mga nakaposte ng tauhan ng Makati Police District.

Ayon sa Makati police, ito ay base na rin sa kahilingan ng pamilya.

May mga umaaligid-aligid umano kasing kahina-hinalang lalaki sa Sanctuario kung kaya’t kinakailangang maghigpit ng seguridad.

Facebook Comments