Pagsisiyasat sa mga karneng pumapasok sa bansa, paiigtingin ng DA

Paiigtingin pa ng gobyerno ang pagbabantay sa mga karneng pumapasok sa bansa lalo na ang manok.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar, nagpalabas sila ng karagdagang requirements para sa sanitary at phytosanitary ng mga ipapasok na karne.

Katuwang nila dito ang National Meat Inspection Service (NMIS) habang ang Bureau of Animal Industry ang magtitiyak ng mga kinakailangang dokumento.


Isinagawa ng DA ang hakbang na ito para masigurong sariwa at ligtas kainin ang mga karneng pumapasok sa bansa lalo na ngayong umiiral ang community quarantine dahil sa COVID-19.

Facebook Comments