Pagsubasta sa Marcos jewelry, may go signal na kay PRRD

Nagbigay na ng go signal si Pangulong Rodrigo Duterte para sa public auction ng Hawaii jewelry collection ni dating first lady at ngayon ay Ilocos Norte Representative Imelda Marcos.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, inaprubahan ng Pangulo ang panukala ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) na ipasubasta ang jewelry collection ng dating first lady na nagkakahalaga ng P704.8 milyon

Aniya, sinabi ng punong ehekutibo na nais niyang makinabang dito ang taumbayan.


Gayunman, sabi ni Panelo na hindi pa niya tiyak kung kailan maglalabas ang Pangulo ng pormal na kautusan hinggil rito.

Ang nasabing jewelry collection ay bahagi ng asset na nakumpiska sa pamilya Marcos.

Facebook Comments