MANILA – Inatasan ni QC Mayor Herbert Bautista ang pamunuan ng City Veterinary Department na gawing round the clock ang pagsubaybay sa galaw ng mga paninda lalo na ng mga produktong karne sa mga pribado at pampublikong palengke sa lungsod.Ito ay upang matiyak na hindi maibebenta ng mga tiwaling negosyante sa mga palengke at pamilihan ang mga kontaminado at double dead na karne na may hatid na epekto sa kalusugan ng mamamayan.Ang hakbang ni Mayor Bautista matapos makakumpiska ang mga elemento ng city hall inspectors ng may 150 kilo ng kontaminadong karne sa commonwealth public market noong Martes at 200 kilo naman ang nakumpiska sa mga palengke ng Balintawak at Novaliches.Pinaalalahanan ang lahat ng mga mamimili na suriing mabuti ang mag bibiling karne sa palengke kung ito ay walang masamang amoy, pinkish color at firm ang pagkakarne upang matiyak na ligtas itong kainin.Mainam din anyang bumili ng karne sa mga groceries at meat shops dahil nakalagay ito sa freezers at chillers na higit na mamantine ang sariwa ng karne.
Pagsubaybay Sa Galaw Ng Mga Paninda Lalo Na Ng Mga Produktong Karne Sa Mga Pri¬Bado At Pampublikong Palengke Sa Qc, Pin
Facebook Comments