Pagsugpo ng gutom at malnutrisyon sa bansa, patuloy na tinututukan ng pamahalaan

Pinalakas ni Pangulong Bongbong Marcos ang ugnayan ng Pilipinas at ng World Food Program (WFP) bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na labanan ang malnutrisyon sa bansa.

Ayon kay Pangulong Marcos, bukas ang pamahalaan na makipagtulungan at makiisa sa layunin at programa ng WFP.

Sinabi pa ng pangulo na bumubuti na ang kalagayan ng bansa sa usapin ng gutom at malnutrisyon, kung saan nakikita niya na nagiging sapat na ang food supply sa bansa sa paglipas ng panahon.


Nakatuon na rin aniya ang pamahalan sa pagbibigay ng aktuwal na nutrisyon sa mga Pilipino sa ilalim ng “Walang Gutom 2027: Food Stamp Program.”

Kamakailan ay sinabi ng pangulo na isang cohesive approach sa pagtugon sa gutom at pinaiiwasan ang pagdoble ng feeding programs ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Facebook Comments