Pagsuko ng Dalawang NPA sa Kalinga, Ikinatuwa ng mga Awtoridad

Cauayan City, Isabela-Iprinisenta ng mga awtoridad sa alagad ng mga media ang dalawang (2) miyembro ng komunistang grupo ng New People’s Army na boluntaryong sumuko sa tanggapan ng Kalinga Police Provincial Office ngayong araw, July 14.

Ayon sa ulat, kapwa nagtatrabaho bilang stone builders sa Bontoc, Mountain Province ang dalawa. Kanilang inilahad na noong May 24, 2019 ng makilala nila ang isang ‘Pito’ na nag-imbita sa kanila sa isang anibesaryo ng NPA.

Habang nasa pagtitipon sila sa Bauko, Mountain Province ay naengganyo sila na sumali sa grupo na pinapangunahan ng isang Ka-Jeff na kabilang sa *Kilusang Labang Guerilla* (KGL) Marco at isa pang Ka-Cris na KGL Ampis.


Inilathala pa nila kung paano sila nadoktrinahan sa pamamagitan ng tinatawag na Batayang Kursong Pang Militar (BKPM).

Inamin din nila ang pagkakasangkot sa ilang marahas na sitwasyon laban sa gobyerno hanggang sa kanilang napagtanto na wala na silang halaga sa grupo sa kabila ng matinding pakikipaglaban, nakaranas ng matinding gutom kaya nagdesisyon silang magbalik loob na.

Bukod dito, napag-alaman na may ilang lugar sa Bauko ang may ialng improvised explosive device (IED) na kabilang sa mga NPA.

Sa naging mensahe naman ni Provincial Director PCol. Davy Vicente Limmong ng KPPO, inihayag nya ang buong suporta ng gobyerno sa kanilang pagbabalik loob habang ipinunto nya na hindi naman sila kalaban sa kanilang ginawang pagsuko.

Hindi rin umano pagpapakita sa iba pang NPA ang pagsuko ng mga ito para takutin lamang sila kundi iparating na ligtas sila sa kamay ng gobyerno.

Inaasahan naman na mapapabilang sa ilalim ng enhanced comprehensive local integration program (E-CLIP) gaya na lamang ng iba’t ibang livelihood programs.

Facebook Comments