Pagsulong ng total ban sa E-sabong, napag-usapan sa pulong ng DOJ at ng mga kaanak ng nawawalang sabungero

Muling nagkaharap si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla at ang mga kaanak ng nawawalang sabungero kaninang umaga.

Humigit-kumulang dalawang oras ang itinagal ng pulong na layong magbigay ng update sa mga kaanak at ahensya kaugnay sa kaso.

Sa pulong ay napag-usapan na isulong sa Kongreso ang total ban ng E-sabong.


Malaking bagay aniya para sa pamilya ng mga sabungero kung tuluyan nang ihinto ang E-sabong.

Giit pa ng mga ito na hindi nila susukuan ang kaso.

Pinakalma rin anila sila ng kalihim kaugnay sa naunang pahayag nito na patay na ang mga sabungero.

Nagpapasalamat naman ang mga ito sa DOJ dahil hindi sila nito binibitawan.

Kahit papaano rin daw ay masaya sila na may naisampa nang dalawang kaso hinggil sa 34 na missing na sabungero.

Facebook Comments