Ilang commanding officers ng NPA, sumuko sa pamahalaan

Sumurender mismo kay Department of the Interior and Local Governement (DILG) Sec. Benhur Abalos ang 9 na commanding officers ng New People’s Army (NPA).

Iprinisenta ni Abalos ang mga ito kanina sa pulong balitaan sa Kampo Krame.

Ayon kay Sec. Abalos, nuong nakalipas na 2 linggo may mga sumuko rin sa kanyang mga miyembro ng NPA at patuloy pa itong nadadagdagan.


Aniya, kusang loob na nagbalik loob ang mga rebelde sa pamahalaan dahil sa ginagawang mga hakbang ng gobyerno upang sila ay matulungan.

Kabilang dito ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program o ECLIP program, pagkakaloob sa mga ito ng skills and training mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), pagbibigay ng hanapbuhay at pagtanggap sa kanila ng komunidad.

Facebook Comments