Pinayapa ni Dr. Cynthia Saloma ng Philippine Genome Center (PGC) ang kalooban ng publiko hinggil sa mga naglalabasang bagong variant ng COVID-19.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Saloma na hindi kailangang maalarma sa pagsulpot ng mga bagong variant.
Natural lamang kasi aniya ang mutation sa virus.
Ipinaliwanag ni Saloma na sa tuwing dumarami at lumilipat ang virus mula sa isang host patungo sa ibang host, may nangyayaring mutations, pero hindi ibig sabihin na magiging severe ito o patuloy na mananatili sa mahabang panahon.
Ayon kay Saloma, may iba’t ibang klase ng mutations kung saan bahagi ng viral evolutionary process ang mutation ng virus kaya hindi aniya dapat mabahala rito ang publiko.
Facebook Comments