China – Hindi pa din maipaliwanag ng mga geologists ang mga tumutubong “stone eggs” sa talampas ng Mount Gandeng sa Gulu Village sa Guizhou Province.
Tatlumpung taon na nag magsimulang magsilabasan ang mga nasabing stone eggs kung saan tinawag nila itong Chan Da Ya na ibig sabihin ay “Egg Laying Cliff.”
Itinuturing naman ng mga mamamayan ng Gulu Village na swerte ang hatid ng mga stone eggs kaya’t patuloy nilang itong binibista at hinahawakan sa paniniwalang gawa ito ng kanilang diyos.
Isa sa isangdaan at dalawampu’t pamilya sa nasabing village ay mayroon hawak na stone eggs na kanilang napupulot sa tuwing nalaglag ang mga ito.
Facebook Comments