Pagsunod ng Pilipinas sa standards ng European Maritime Safety Agency para sa mga Pinoy seafarers, pinuri ng Danish government

Hinangaan ng Danish Government si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagtitiyak nito na magko-comply ang Pilipinas sa ibinigay na standards ng European Maritime Safety Agency o EMSA para sa mga Pilipino seafarers.

Sa ulat ng Office of the Press Secrerary, inihayag raw ng Danish Ambassador na si Franz-Michael “Dan-Dan” Mellbin na titiyakin nyang susuportahan ang gobyerno ng Pilipinas sa effort nito para masunod ang standards ng EMSA para sa mga Filipino seafarers.

Batay pa sa impormasyon mula sa OPS, makikita sa isang Facebook post ang interview kay Ambassador Mellbin at sinabi nitong masaya ang Denmark na kasama ang Filipino Maritime Professionals. Ito ay sa harap na rin ng kanyang concern sa issue of compliance ng Pilipinas sa European Maritime standards.


Ayon sa ambassador, kapag nabigong mag-comply ang Pilipinas sa European Maritime standards malaking kawalan sa maritime industry ang Pilipinas.

Kaya naman tiniyak ni Pangulong Marcos Jr., sa kanyang nakaraang biyahe sa Brussels, Belgium na reresolbahin ang certification issue para rito lalo’t ang Danish shipping companies ay isa sa malaking employers ng mga Pilipinong Marino.

Una nang inutos ng pangulo ang pagbuo ng advisory body para tutukan ang isyung ito lalot 16 na taon na ang nakakalipas ay bumabagsak pa rin ang Pilipinas sa EMSA at kung magtutuloy tuloy ay mawawalan ng trabaho ang 50,000 mga seafarers sa Europa.

Ang Danish Maritime Authority ay nagsagawa ng courtesy visit sa Philippine Maritime Authorities nang nakaraang buwan para mas mapalakas ang maritime cooperation kabilang na ang karapatan ng mga seafarers.

Facebook Comments