Hindi na sumusunod ang ilan sa mga tao sa minimum public health para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Ayon kay OCTA Research Fellow Ranjit Rye, mayorya ng mga tao ay nagsusuot ng face mask pero marami na ang hindi gumagamit ng face shields at wala nang social distancing.
Iginiit ni Rye na kailangang mapanatili ang tatlong basic elements ng public health safety standards hanggang sa mabakunahan ang lahat ng tao.
Apela niya sa publiko na panatilihing maging mapagbantay at disiplinado sa pagsunod sa health protocols na itinakda ng Department of Health (DOH).
Binanggit din ni Rye ang isang potensyal na surge ng COVID-19 cases sa Metro Manila ay maaaring mapigilan.
Hindi pa rin ito panahon para magpakampante at dapat pa ring maghigpit tulad ng pagpapatupad ng epektibong localized lockdowns at border controls.