Pagsunod sa health protocols, ipinaalala ni Senator Grace Poe sa mag-asawang magka-angkas sa motorsiklo

63

Ikinatuwa ni Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe ang pasya ng Inter-Agency Task Force (IATF) na payagan na ang mag-asawa na magka-angkas sa motorsiklo.

Para kay Poe, sa nabanggit na desisyon ng IATF ay nanaig ang katwiran at konsiderasyon sa pamilyang Pilipino na apektado ng limitadong transportasyon ngayong may COVID-19 pandemic.


Sinabi ni Poe, malaking tulong ito sa bawat pamilya na nakadepende lang sa kanilang motorsiklo para makapasok sa kanilang mga trabaho.

Kaugnay nito, ipinaalala ni Poe sa mga mag-asawa na babiyaheng magka-angkas sa motorsiklo ang mahigpit na pagsunod sa health protocols laban sa COVID-19 at ibayong pag-iingat.

Pangunahing tinukoy ni Poe ang pagsusuot ng face mask at helmet, disinfection at pagsunod sa batas trapiko.

Facebook Comments