Muling ipinaalala ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang patuloy na pagtalima sa minimum health protocols sa kabila ng walang mataas na pagkakatala ng kaso ng COVID19 sa lungsod.
Sa naganap na pagpupulong ng alkalde kasama ang iba pang opisyales ay naipagbigay alam ang ilan sa mga updates kaugnay sa Covid19 at ayon sa report, hindi man mataas ay may naitatala pa ring kaso ng COVID19 kaya’t alinsunod dito, iginiit muli sa publiko ang pagsuot ng face mask, paghuhugas ng kamay at ang pagpapanatili ng social distancing.
Hinikayat din ang mga taong nakakaramdam ng sintomas ng ganitong sakit ay magtungo na sa doctor o maaari ring tumawag sa City Health Office sa kanilang numero na 0933-861-6088 o 522-8206.
Operational pa rin ang mga isolation facilities ng Dagupan sakaling kakailanganin ng mga taong magpopositibo sa COVID19.
Samantala, kaliwa’t-kanan ang isinusulong na mga programang nagkakaloob ng serbisyong pangkalusugan para sa mga Dagupeno. |ifmnews
Facebook Comments